Pag-ibig by Sponge Cola

Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya (“naibigan ang isang pelikula”) hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.

Image result for love others gif

Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.

Ang Sponge Cola ay isang Pilipinong banda na sumikat noong kalagitnaan ng taong 2000. Ang kanilang banda ay marami ng nagawang albums, EP’s, at singles ng dahil sa mga ito nakatanggap sila ng mga award. Sila lang naman ang nagpasikat ng mga kantang tulad ng Jeepney, KLSP, Gemini, Bitiw, Tuliro, Di Na Mababawi, Tambay, at Kay Tagal Kitang Hinintay, na iilan lamang sa mga OPM na ating kinabaliwan.

Image result for sponge cola gif

Image result for sponge cola

Ang single nilang “Pag-ibig” ang aking napili. Ito ang official theme song ng Kapuso morning series na “Dangwa,” noong taong 2015. Ito ang napili kong kanta dahil ang mensahe nitong kanta ay hindi lamang para sa mga taong umiibig dahil tungkol din ito sa pagmamahal sa ating kapwa.

“Pag-ibig na ang susi
Nararapat lang ibahagi
Gumaganda ang paligid
Kung bawat tao
Ay puno ng pag-ibig
Napapawi ang pighati
Masilayan lang ang iyong ngiti
O kay gandang isipin
Ang isang mundong puno ng pag-ibig”

Kung mapapansin niyo sa lyrics pinaparating nito na ang pagmamahal sa bawat isa ang susi upang malagpasan natin ang mga problemang kinakaharap natin dahil ang pag-ibig ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang lumaban at magpatuloy sa ating buhay maari itong manggaling hindi lamang sa ating mga sinisinta kundi maari ring sa mga taong nakapaligid at laging nandyan para satin. Ang mundo natin ay dapat minamahal pero paano natin ito magagawa kung hindi natin kayang mahalin ang ating kapwa?

“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” (Roma 13:9), maihahalintulad ko ang mensahe sa lyrics dito sa verse na ito. Sa mundong ito sino pa ba ang magtutulungan at magmamahalan kundi tayo-tayo lang naman. Nawa’y mapakinggan ninyo at maramdaman ang mensaheng pinapahiwatig sa atin ng kantang ito.

Image result for group hugging gif

References

http://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/541462/pag-ibig-by-sponge-cola-ang-theme-song-ng-dangwa/story/

https://www.onemusic.ph/news/song-dissection-gemini-by-sponge-cola-3309

 

Leave a comment